-- Advertisements --

Kumpiyansa ang bagong head coach ng Los Angeles Clippers na si Ty Lue na hindi aalis sa team ang dalawa niyang superstars.

Umaasa pa rin kasi sina Kawhi Leonard at Paul George na darating din ang panahon na mabibigyan nila ng korona ang Clippers.

Liban nito, ang dalawa ay parehong mula sa Southern California area.

Kung tutuusin daw puwede nang kumalas si Leonard sa koponan sa susunod na season at iwanan ang tatlong taon na $103 million deal.

Gayundin naman si Paul mula sa apat na taon na kontrata na nagkakahalaga ng $136 million na unang nakuha niya sa Thunder bago siya lumipat.

Kung maalala kabilang ang Clippers sa top favorites sa NBA kung saang naibulsa nila ang No. 2 seed sa Western Conference kasunod sa Lakers.

Gayunman minalas sila sa Nuggets nang mawala na parang bula ang kanilang 3-1 lead sa serye.