Patuloy na nangungunang pinagkukunan ng enerhiya sa Pilipinas ang Coal-fired power plants noong nakalipas na taon.
Base sa datos ng Department of Energy, ang kabuuang installed on-grid capacity ng naturang power plant ay nasa 12,406 megawatts, bumaba ito ng 0.18% mula sa 12,428 megawatts noong 2022.
Pagdating sa share sa on-grid power mix, ang coal-fired power plant ay nag-aambag ng 43.9%, bahagyang pagbaba kumpara sa 44% share nito sa grid noong 2022.
Kasabay ng patuloy na pagdomina ng karbon sa power mix ng bansa, umapela ang Energy Department sa power generation firms na magboluntaryong itgil o irepurpose ang kanilang existing coal-fired power plants bilang parte ng pagsisiskap na pataasin ang renewable energy share sa power mix ng 50% pagsapit ng 2040.
Samantala, ang ibang renewable resources gaya ng hydro at solar ay nakitaan ng pagtaas sa kanilang installed on-grid capacities.