-- Advertisements --

Naka-standby na muli ang Coast Guard District North Western Luzon (CGDNWLZN) kasabay ng pagbabanta ng bagyong Marce sa Northern Luzon.

Ang naturang CG district ang may sakop sa mga karagatang sakop ng Ilocos Region, kasama ang boundary sa Central Luzon.

Ayon sa naturang CG district, agad pinakilos ang mga personnel nito bilang bahagi ng Deployable Response Group para masuportahan ang paghahanda laban sa bagyong Marce.

Marami rin sa mga personnel nito ang kasalukuyang naka-deploy sa Cagayan Valley Region at tumutulong sa mga komyunidad na unang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Kristine at ST Leon.

Maliban sa manpower, inihanda na rin ng naturang dristrito na mga kagamitan tulad ng mga lifevest, deployable boats, at iba pang magagamit sa search, rescue, at relief operations.

Maaari namang maabot ang PCG North Western Luzon sa pamamagitan ng 0945 746 3430