-- Advertisements --
pcg rescue

ILOILO CITY – Limang araw nang hindi pinapayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na lumayag ang pumpboat mula Iloilo Guimaras vice versa.

Ito ay kasunod ng pagtaob ng tatlong bangka sa Iloilo Strait kung saan 31 katao ang patay.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senior Chief Petty Officer Albino Rodriguez, deputy station commander ng Philippine Coast Guard Iloilo, sinabi nito na iniiwasan nilang maulit pa ang Iloilo Strait tragedy.

Ayon kay Rodriguez, hangga’t hindi inaalis ng Pagasa ang gale warning, hindi nila papayagan na lumayag ang mga maliliit na bangka kagaya ng pumpboat.

Sa ngayon, ang pinapayagan lang na maglayag ay ang mga roll on roll off vessel.

Samantala ayon naman kay Wilson Pelopero, crew ng isang pumpboat via Iloilo Guimaras vice versa, sinabi nito na nalulugi na sila.

Ngunit naiintindihan naman aniya nila ang Philippine Coast Guard sa pagpigil sa kanila na maglayag upang hindi malagay sa alanganin ang buhay nila ang ng mga pasahero.