Handa na rin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) maging ang kanilang K9 units ang tutulong para matiyak ang kapayapaan at kaligtasan ng mga atleta at delegado sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEA) Games.
Ang K9 contingents ay ide-deploy sa mga lugar na pagdarausan ng mga kompetisyong kaugnay sa SEA Games.
Kabilang sa competition venue ang Batangas, Subic, La Union at Metro Manila, mula November 30 hanggang December 11, 2019.
Pinangunahan ni Captain Nelson Torre, ang commander ng PCG K9 Force, ang send-off ceremony para sa lahat ng K9 contingents.
Bukod dito, mayroong apat na PCG K9 teams na magiging bahagi ng Sub-Task Group Protection Technical Service na magsasagawa ng paneling at sanitation sa mga lugar ng na pagdarausan ng sporting events.
Ito ay para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga atleta at delegado sa SEA Games.
Tiniyak naman ng PCG na habang isinasagawa ang SEA Games ay nakabantay pa rin ang kanilang mga personnel sa mga pangunahing pantalan sa bansa at tuluy-tuloy ang serbisyo sa publiko.