Sa gitna ng pagbuhos ng mga deboto sa prusisyon ng Itim na Nazareno, nagsagawa ang Philippine Coast Guard ng ilang security at safety operations para mabantayan ang kaligtasan ng publiko.
Pinangunahan ng Coast Guard K9 Force and Explosive Ordnance Disposal (EOD) ang paneling inspections sa ilang lugar na dadaanan ng andas.
Nagsagawa rin ang mga CG personnel ng maritime security patrol sa bisinidad ng Manila Bay at katubigang sakop ng Ayala Bridge hanggang sa Pasig River.
Ang PCG ay bahagi ng security sector na nagbabantay sa kabuuan ng Traslacion 2025 kung saan mahigit isanlibong miyermbro nito ang nakadeploy sa boung selebrasyon.
Kasama rin sa idineploy ng PCG ang ilang medical team para umalalay sa mga debotong mangangailangan ng medical attention sa kasagsagan ng prusisyon hanggang sa matapos na ang kapistahan ng Itim na Nazareno.