LA UNION – Nai-deliver na ng Coast Guard NorthWestern Luzon (CGNWLZN) ang second batch ng kanilang mga naipon na family food packs para sa mga biktima ng pagbaha sa Cagayan at Isabela.
Ito ang sinabi sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Ensign French Alayon, spokesperson ng Coast Guard Northwestern Luzon, bilang bahagi na rin ng patuloy na relief operations ng pamahalaan at pagtulong sa mga mamamayan na matindi ang pangangailangan.
Kinabibilangan ito ng 270 family food packs, hygiene kits, kahon-kahon na mineral water, clothings, at iba pang goods.
Sinabi ni Alayon na ang unang batch ng kanilang relief goods ay kanilang nai-deliver noong Nobyembre 20 at ang 2nd batch ay dumating sa Isabela-LGU kahapon.
Aniya, asahan pa ang 3rd batch ng tulong na kanilang ibibigay para sa mga biktima ng kalamidad dahil patuloy rin ang pagtanggap ng kanilang istasyon na nakabase sa Poro, San Fernando City, La Union ng donasyon mula sa mga taong may malambot na puso.