-- Advertisements --
Nakapagtala ang Philippine Coast Guards (PCG) ng kabuuang 18,598 na mga outbound passengers at 16,419 inbound passengers ngayong Undas.
Aabot rin sa 2,296 na mga personnel ng PCG ang kanilang ipinakalat sa 15 districts.
Nasa 295 na mga barko at 381 na motorbancas ang kanilang isinaillalim sa inspeksyon na bumiyahe ngayong undas.
Mahigpit na pinayuhan din ng PCG ang mga pasahero na dapat tignan nilang mabuti ang mga requirements na kakailanganin sa mga lugar na kanilang pupunta.
Mula kasi sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 ay naka-heightened alert na ang mga PCG dahil sa dagsa mga tao.