-- Advertisements --

Pinasaya ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga maraming mga bata sa Siargao Islands na kabilang sa matinding sinalanta ng nakaraang bagyong Odette.

toys 4

Nagdala kasi ang mga ito ng iba’t ibang mga laruan sa pangunguna ni PCG District Northern Mindanao Commander, at commanding general Captain Geronimo Tuvilla.

Namalas naman sa mga bata ang saya na kahit papaano sa panahon ng kapaskuhan sa kanilang murang edad ay hindi maramdaman ang labis na pait na dinanas ng kanilang lugar dahil sa pinsala ng kalamidad.

Samantala, todo pasalamat din ang mga magulang ng mga bata sa mga PCG personnel na hindi nakalimutang magmalasakit lalo na sa panahon ng sakuna dahil kahit papaano ay ipinadama sa mga bata ang saya ng pasko.