-- Advertisements --
Inaasahang matatapos na rin sa susunod na linggo ang konstruksyon ng PCG Quarantine Facility sa Coast Guard Base sa Taguig City.
Ayon sa Coast Guard, magadnag pagkakataon daw ito dahil sa magdiriwang din sila ng ika-119th na anibersaryo.
Anila, ang bagong pasilidad ay malaking tulong para sa mga PCG frontline personnel na humaharap din sa giyera laban sa COVID-19.
Una nang kinumpirma ng Coast Guard Medical Service na nasa 85 na PCG personnel ang nagpapagaling pa dahil sa deadly virus.
Sinasabing umaabot naman sa 21 ang naitalang kaso ng reinfection, kung saan 16 sa kanila ang matagumpay na naka-recover sa ikalawa at ikatlong kaso ng reinfection.