-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mas hinigpitan ngayon ng Coast Guard District Northern Mindanao at ng Coast Guard Station Surigao del Norte sa pangunguna ni Station Commander Commodore Elaine Pangilinan ang pagpapatupad sa kautusan ni Governor Francisco “Lalo” Matugas na temporaryong nagba-ban mula sa Luzon at Visayas na nagnanais na makakapasok sa nasabing lalawigan hanggang Agosto 22.

Ito ay sa pamamarigan ng paglulunsad ng simultaneous coastal security patrol at seaborne patrol operations sa loob ng kanilang area of responsibility.

Layunin ng simultaneous patrol operation na mapalakas pa ang showcase ng Philippine Coast Guard visibility sa loob ng kanilang AOR upang mapigilan ang kahit na sinumang indibidwal at mga illegal entrants na makakapasok sa mga coastal areas na magsilbing “backdoors” patungong Surigao del Norte province.

Kaugnay nito, hinikayat ni Pangilinan ang publiko lalo na yaong mga nasa coastal barangays na maging vigilante palagi at kaagad na i-report sa mga otoridad ang kahit na sinumang kaduda-dudang indibidwal na walang dalang kahit na anumang balidong documentary requirements upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 lalo an ang pagpasok ng Delta variants sa nasabing lalawigan.