LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol na positibo sa red tide ang karagatan ng Milagros sa lalawigan ng Masbate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Nonie Enolva ang tagapagsalita ng BFAR Bicol, ito na ang ikatlong buwan na may red-tide sa naturang coasta water na una ng nagpositibo noong Oktubre.
Dahil dito, mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagkuha at pagkain dito ng anumang uri ng shellfish.
Nananatili namang nakaalerto ang lokal na pamahalaan kung saan may mga inilatag na checkpoints upang mahuli ang mga nagtatangka pa ring bumiyahe at magbneta ng mga shellfish.
Abiso ng opisyal na mag-ingat na muna sa mga ganitong lamang dagat upang makaiwas sa panganib na dalhin ng red tide.
Matatandaang noong nakaraang taon nasa 24 katao ang nalason sa bayan matapos na kumain ng shellfish kahit pa ipinagbabawal na ng mga otoridad.