Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na maaaring magkaroon muli ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) Filing of Certificate of Candidacy (COC) kung sakali man maisabatas na ang pag-urong ng BARMM elections sa 2026.
Aniya, ito ang pangkaraniwan na ginagawa sa tuwing nare-reset ang election maliban na lang kung magkaroon ng batas kung saan ang mga nakapaghain na ang siya ring kakandidato kapag ililipat ang petsa ng halalan.
Matatandaan na naghain ng panukalang batas si Senate President Francis “Chiz” Escudero ng panukalang batas na mag-uurong sa BARMM elections sa 2026.
Sa kabila nito, nanindigan ang komisyon na hangga’t hindi pa ito naisasabatas, ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang paghahanda para sa BARMM elections.