Natapos na ang filing ng certificate of candidacy(COC) sa Bangsamoro Region in Muslim Mindanao(BARMM) ngayong araw, Nov. 9.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia, wala nang extension sa paghahain ng COC dahil sapat na ang anim na araw para i-accommodate ang lahat na maghahain ng kandidatura.
Sa inisyal na listahan ng komisyon, tatlong regional parliamentary political parties (Moro Ako, Pro Bangsamoro at BAPA) ang naghain ng kanilang Certificate of Acceptance and Nomination (CONA) at List of Nominees, kasama ang Manifestation of Intent to Participate sa Parliamentary Elections.
Sa ilalim ng Bangsamoro Electoral Code, mayroong 25 parliamentary district sea na pupunan sa 2025 Elections.
Kinabibilangan ito ng walong seat sa Lanao del Sur, apat sa Maguindanao del Norte, apat sa Maguindanao del Sur, tatlo sa Basilan, tatlo sa Tawi-Tawi, dalawa sa Cotabato City, at isa sa Special Geographic Area (SGA) sa Cotabato province.
Maliban dito, mayroon ding 40 posisyon na pupunan sa regional parliamentary political parties.