Ilalabas ng Commission on Elections sa kanilang website ang Certificate of Candidacy ng mga kakandidato sa 2025 midterm elections 2 linggo pagkatapos ng filing period mula Oktubre 1 hanggang 8.
Paliwanag ni Comelec chairman George Erwin Garcia 2 linggo pa bago mailabas ang COC dahil aantayin pa nila ang pagdating ng mga COCs mula sa mga probinsiya at mga munisipyo.
Sa ilalim kasi ng Comelec Resolution No. 1045, magsisimulang maglathala ang poll body ng COCs kabilang ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONAs) ng mga kandidato sa Oktubre 18 ng kasalukuyang taon.
Ipinaalala naman ni Chairman Garcia na ang mga inihalal na opisyal na tatakbo sa 2025 elections ay dapat na magbitiw mula sa kanilang posisyon sa oras na naghain na ng COCs.
Sa party-list naman, dapat nakapagbitiw na ang opisyal sa unang araw ng campaign period sa Pebrero 11, 2025 kasunod ng desisyon ng Korte Suprema.
Sa mga public appointive office o position kabilang ang aktibong mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at iba pang mga opisyal at empleyado sa government-owned or-controlled corporations ay dapat na nakapagbitiw na mula sa serbisyo at dapat na bakantehin ang opisina sa simula ng regular office hours ng araw ng paghahain ng aspirant ng kaniyang COC salig sa Section 44 ng Comelec Resolution No. 11045.