-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dahil sa pglabag sa ban sa political dynasties, dalawang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ang pinagbawalan ng Commission on Elections o COMELEC pagtakbo sa eleksyon ngayong Oktubre a-30.

Kahapon kinansela na ng COMELEC ang certificates of candidacy o COCs nina Merson Calubag na tumakbong SK chairman sa Barangay Magtangale, sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte at Ivy Jane Miranda na tumakbo sa kagaya ring posisyon para sa Barangay Malag-it sa Calinog, Iloilo.

Ayon sa second division ng COMELEC, nahatulan si Calubag ng guilty sa misrepresentation kung kaya’t na-deny at nakansela sa kanyang COC.

Nalaman pa ng second division na idineklara ni Calubag sa kanyang COC na hindi niya ka-anak sa second civil degree of consanguinity ang isang incumbent official sa barangay kung saan siya tatakbo.

Nalaman ng COMELEC na si Calubag ay anak ni Marilyn Calubag, na kagawad ng Barangay Magtangale.