-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tinanggal na ngayong araw ng management ng Coca Cola Plant na matatagpuan sa Ulas, Davao City ang ipinaskil nitong tarpaulin kahapon.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Bombo Radyo Davao, nananatiling tikom ang management tungkol sa kanilang inilabas na advisory.

Sa ngayon, tumanggi ang nasabing management na magbigay ng dagdag na pahayag.

Sinubukan ng Bombo Radyo Davao na kontakin ang iilang opisyal ng nasabing kompanya ngunit base sa sagot nito via text message, hindi ito maaaring humarap sa media ngayong araw dahil may importanteng meeting na dapat daluhan ang kanilang official spokesperson / Director for Corporate & Regulatory Affairs na si Atty. Tañada.

Kung maalala, kahapon ay ipinaskil sa labas ng gate ng nasabing beverage company ang tarpaulin na nagsasabing suspendido ang kanilang operasyon dahil sa kakulangan umano ng suplay ng bottlers o refined sugar na syang pangunahing sangkap ng kanilang produktong softdrinks at iba pang mga sweetened beverages.

Ang nasabing pabrika ang gumagawa at nagsu-suplay ng kanilang mga produkto hindi lamang sa Davao Region ngunit kabilang na rin sa kalapit na mga probinysa sa Mindanao.