-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Uruguay sa pagkatakas ng kilalang ‘cocaine king’ ng Italia.

Mula pa noong 2017 ay nakakulong na si Rocco Morabito at habang hinihintay ang pag-extradite nito sa Italy nitong Linggo ay tumakas ito.

Miyembro si Morabito ng Calabrian ‘Ndrangheta drug group isang pinaka-organisadong crime group at pinakamalaking cocaine importers ng South America.

Inaresto ito matapos ang dalawang dekadang pagtatago sa pagbebenta ng iligal na droga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon na tumakas si Morabito at tatlong kasamahan nito sa pamamagitan ng pagsira ng bubong ng national rehabilitation center.