-- Advertisements --
Nakuha ni Coco Gauff ang ikalawang career single title nito ng magwagi sa final ng Emilia-Romagna Open sa Parma, Italy.
Tinalo nito si Qiang Wang China sa score na 6-1, 6-3 sa loob ng 74 minuto.
Mula pa sa simula ay hawak na ng third-seed American tennis player ang kalamangan hanggang tuluyang idispatsa ang sixth-seeded na kalaban.
Nagwagi rin si Gauff sa doubles kasama si Cathy McNally laban kina Andreja Klepac at Darja Jurak.
Unang nakuha ng 17-anyos na si Gauff ang kampeonato noong 2019 ng magwagi siya sa Linz, Austria.