-- Advertisements --

Nasungkit ni American teenager Coco Gauff ang kampeonato ng US Open.

Ito ay matapos talunin niya sa final si Aryna Sabalenka sa score na 2-6 6-3 6-2.

Ito ang unang Grand Slam title ng 19-anyos na si Gauff.

Sinabi nito na labis itong nagulat ng magwagi siya laban sa 25-anyos na tennis star ng Belarus.

Nasa halos 24,000 ang nanood sa Arthur Ashe Stadium ang nanood sa nasabing laban.

Dahil sa panalo ay inaasahan ang pag-angat sa ranking ni Gauff.

Mula noong maglaro ito sa Wimbledon noong 2019 habang 15-anyos pa lamang ay nakitaan ng ilang mga tennis fans ang potensiyal nitong magig Grand Slam champion.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kapwa tennis players at maging mga celebrities.