-- Advertisements --
Nagtala ng record sa kasaysayan ng tennis si Coco Gauff matapos ang WTA Finals.
Siya lamang kasi ang pinakabatang nagkampeon sa WTA Finals title sa loob ng 20 taon.
Ito ay matapos na talunin si Zheng Qinwen sa score na 3-6, 6-4, 7-6 (7/2) sa laro na ginanap sa Riyadh, Saudi Arabia.
Nahirapan pa ang 20-anyos na si Gauff na mahabol si Zheng sa laro na tumagal ng tatlong oras at apat na minuto na siyang pangalawang pinakamatagal na WTA finals sa 2024.
Sinabi nito na hindi niya malilimutan ang laro dahil sa ito ang unang women’s tennis event sa Saud Arabia na naitala sa kasaysayan.
Bukod sa trophy ay nagbulsa din siya ng $4.805-M na siyang pinakamalaking premyo sa professional, sanctioned tour events.