-- Advertisements --

Taliwas sa naunang anunsyo na alas-3:00 ng hapon, dakong alas-5:30 na ng hapon nang pumayag na magpapasok ang mga security personnel sa Heritage Memorial Park sa Taguig City kung saan kasalukuyang nakalagak ang mga abo ng batikang aktor na si Eddie Garcia.

Dumalaw na rin ang aktres na si Bibeth Orteza kung saan emosyonal nitong pinasalamatan ang yumaong aktor sa pagiging malaking bahagi nito ng kanyang buhay.

Narito ang tinig ni Bibeth Orteza.

Labis naman na ikinalungkot ni Coco Martin ang pagkawala ng kaniyang itinuturing na tatay-tatayan sa industriya ng showbiz.

Ayon sa aktor, kasabay ng pagpanaw ng beteranong aktor ay ang pagkawala ng kaniyang “drinking buddy.”

Sang-ayon naman si Martin sa balak na pagsusulong ng ilang mga mambabatas na gawing National Artist si Manoy.

Narito ang tinig ni Coco Martin.

Mahigpit pa rin ang pinapairal na seguridad sa paligid ng Heritage Memorial Park kung saan unti-unti na rin ang pagdagsa ng mga supporters na nais masilayan at magbigay pugay sa kanilang idolo sa huli nitong sandali.

Magtatagal ang public viewing sa mga abo ni Manoy hanggang sa darating na Linggo.