LAOAG CITY – Kasalukuyang pinag-aaralan ng mga eksperto ang langis mula sa niyog dahil sa potensyal nito na puwedeng gamitin laban sa coronavirus disease (COVID- 19).
Ayon kay Chemical Engr. Peter Matthew Toribio Fowler, nag-aaral para sa kanyang masteral degree sa isang unibersidad sa Sweden at tubong Laoag City, ang coconut oil ay may 50% na luric acid na maaaring gamitin upang labanan ang impeksyon.
Base sa pag-aaral, mayroon itong anti-viral, nagsisilbing food supplement, at puwede pang gamitin para sa mga alagang hayop ngunit hindi pa maaaring gamitin bilang gamot.
Pabor si Fowler sa naging suhestyon ni Dr. Fabian Dayrit ng Ateneo de Manila University na pag-inom ng coconut oil ng 45ml o tatlong kutsara nito sa isang araw.
Ngunit nagbabala si Fowler sa mga matataas ang cholesterol dahil mayroon din itong content na fats.
Nabatid ni Fowler na kaya pang labanan ng coconut oil ang HIV at Junin Virus na kapareho ng COVID-19.