Tinanggal na ng Department of Health ang Code Blue alert dahil sa pagbaba na ng kaso ng pertussis at tigdas sa bansa.
Itinaas kasi ng DOH central Office sa ang nasabing alert para mabigyan ng kaalaman ang publiko sa sintomas at epekto ng nasabing mga sakit.
Naglagay din sila ng public health emergency operation center para mamonitor ang nasabing mga kaso.
Sinundan din ito ng pinaigting na pagbabakuna sa pamumuno ng DOH at mga local government officials.
Base sa pinakahuling datus ng DOH na mula Mayo 12 hanggang 25 ay bumagsak ng 38 percent ang kaso kumpara noong Abril 28 hanggang Mayo 11.
Mula sa dating 301 na kaso noong ay mayroon lamang ito ng 187.
Habang ang tigdas ay mula sa dating 283 noong Abril 28 hanggang Mayo 11 ay mayroon na lamang ito na 178 mula Mayo 12 hanggagn 25.