-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng isa sa mga principal authors ng bagong batas laban sa hazing at maltreatment ang urgency ng isyu sa pagsagot sa umano’y kultura ng karahasan sa Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kasabay kasi umano nitong nabuo ang “code of silence” na kahit mali ay pinagtatakpan.

Kahit nagtapos na sa akademya, posibleng madala pa umano ang naturang kultura na hindi inilalabas ang anumang isyu sa korapsyon kung matataas na opisyal ang sangkot.

Pinuna pa ni Garbin ang konsepto ng maling pagkakaisa habang hindi umano matatawag na “isolated case” ang nangyari kay Cadet 4th Class Darwin Dormitorio na maltreatment na nauwi sa kamatayan.

Ipinangangamba pa ng kongresista na magpaulit-ulit ang cycle ng pang-aabuso kung makakalimutan na ang kwento.

Ipinapanukala ngayon ni Garbin ang isang taon na pagtigil muna ng pag-recruit ng mga bagong kadete sa PMA.