Ilalagay sa code white alert ang mga Department of Health hospital simula sa araw ng Sabado, Enero 6 bilang paghahanda sa pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion sa Enero 9.
Sa ilalim ng alert status, ilalagay sa standby ng mga medical personnel at staff para sa agarang pagtanggap at paglapat ng lunas sa mga pasyenteng isusugod sa mga ospital.
Magpapakalat din ng 8 health emergency response teams na mayroong mga ambulansiya sa mga ruta na dadaanan ng Traslacion para magbigay ng emergency medical services para sa mga deboto.
Idedeploy ang mga emergency response teams sa may Quirino Grandstand; Roxas Blvd. corner Ayala (National Museum & Fine Arts); Ayla Blvd. cor Taft (PNU); Ayala Blvd. cor San Marcelino; San Sebastian Church with Reachout; Villarica, Quezon Blvd; Quinta Market; at sa Paterno, Quezon Blvd.
Kadalasan na idinideklara ng DOH ang code white alert sa kasagsagan ng national events, holidays o mga selebrasyon na maaaring magdulot ng malawakang casualty incidents o emergencies.