Ibinunyag ngayon ng Department of Trade and Industry-Davao Oriental na hindi nakaapekto sa coffee production sa Davao Region ang matinding init na ating nararanasan ngayon.
Ayon kay Art Hermoso, officer-in-charge at provincial director ng DTI-Davao Oriental, ito ay base na din sa dami ng entries at kalidad ng kape na isinumite sa Philippine Coffee Competition sa ilalim ng Philippine Coffee Expo 2023 mula Hunyo 2 hanggang 4, 2023 sa Maynila.
Ayon sa ulat, kabilang sa 29 entries ang robusta at arabica varieties mula sa Davao Region para sa Barista and Coffee Academy of Asia-Manila (BCAA-Manila) at para sa Philippine Coffee Quality Competition 2023.
Sa 29 na entries, 26 nito mula sa Mt. apo entries ang na-isinumite noong Mayo 6, 2023. Ang Philippine Coffee Expo ay itinuturing na pinakagrandyosong coffee event sa bansa dahil sa mga kilalang personalidad na lalahok sa naturang aktibidad.