-- Advertisements --

Tiniyak ng National Maritime Council (NMC) na isang “coherent at cohesive approach” ang kanilang ipapatupad sa implementasyon ng bagong kambal na batas ang Philippine Maritime Zone at Philippine Archipelagic Sea Lanes na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.

Ito ay tugon sa mga banta kung saan nalalagay sa alanganin ang seguridad ng bansa.

Ayon kay National Maritime Council Spokesperon retired VADM Alexander Lopez na mandato ng Konseho na tiyaking epektibong naipapatupad ang batas.

Siniguro naman ni Lopez sapat ang resources ng bansa para bantayan ang ating teritoryo.

Ayon kay Lopez na bagamat ang sea lane passage ang babantayan kakailanganin parin ng mga assets at mga technical capabilities para i-monitor ang mga dumadaan na mga barko.

Batay sa batas, limitado sa tatlong lanes ang maaring daanan ng mga banyagang barko ito ay ang Balintang Channel; Sibutu at Celebes Sea.

Ang Philippine Coast Guard ang siyang magpapatupad ng batas at ang International Maritime Organization ang maglalabas ng notices sa lahat ng mga barko at ang mga lumalabag ay papanagutin.