Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Col. Randolph Cabangbang bilang bagong hepe ng Presidential Security Group.
Pinalitan nito si Brig. Gen. Jesus Durante III at gagawin ang change of command nitong Biyernes Agosto 20 sa Davao City.
Sinabi ni PSG spokesperson Capt. Zeerah Blanche Lucresia na ililipat si Durante bilang commander ng 1001st Brigade ng Philippine Army sa Davao de Oro.
Si Cabangbang ay mahigit na 18 taon sa Mindanao mula sa pagiging tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, Western Mindanao Command at Deputy Commander ng Task Force Davao.
Naging tagapagsalita siya ng Philippine Army noong 2013.
Nagtapos ng Philippine Military Academy si Cabangbang noong 1991 at na-commission sa Officer Candidate School noong 1992.
Nagtapos din ito sa ng iba’t-ibang kurso gaya ng Psychological Warfare Course sa John F. Kennedy Special Warfare Center and School sa North Carolina; Australian Command and Staff Course sa Australian Defence College at Masters in Military and Defense Studies sa Australian National University.