-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang na may sapat na pasilidad na mapaglalagakan o cold storage facility ang pamahalaan ng mga bakunang aangkatin nito sa ibang bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sakali mang kulangin ang inihahandang imbakan ng COVID-19 vaccine ng gobyerno ay naririyan naman ang mga nasa pribadong sektor.

Ayon kay Sec. Roque, katunayan ay may nakausap na siyang asosasyon ng mga cold storage na handang-handang makipagtulungan sa pamahalaan.

Maliban dito, nandiyan pa umano ang mga cold storage facilities ng mga pharmaceutical companies na pwedeng pagdalhan sa mga mai-import na COVID-19 vaccines.

Inihayag din ni Sec. Roque na hindi na maging pahirapan pa ang paghahanap ng cold storage dahil karamihan sa mga nade-develop na bakuna sa COVID-19 ay nangangailangan lang umano ng -8 temperature capacity.