-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Lubos ang kasiyahan ni Kabacan Cotabato Incident Commander on Covid-19 at MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. matapos na dumating na ang isang refrigerator na mag-iimbak ng mga bakuna.

Ayon kay Edu, laking pasasalamat nito kay Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. matapos na agad nitong inaprubahan ang mithiing makapagbili ang Lokal na pamahalaan ng cold storage unit para sa mga bakuna kontra Coronavirus Disease (Covid-19).

Dagdag pa ni Edu, maliban sa Sinovac, AstraZeneca, at Johnsons, may posibilidad na ring mapagkakalooban ang bayan ng Pfizer, Moderna, at Sputnik.

Kaugnay nito, dumating na rin ang isang refrigerator set na mula sa DOH na maaaring gamitin sa bakuna. Ipinagpasalamat naman ito ni Mayor Guzman.

Samantala, plano naman ni Mayor Guzman sa pakikipagdiskusyon nito kay Dr. Edu na bibili ang bayan ng sarili nitong high flow oxygen machine para sa mga malulubhang pasyente ng COVID-19.

Malaking tulong anya ang high flow oxygen machine lalo na ngayong kinukulang ng suplay ng medical oxygen.

Halimbawa nito ay may isang pasyente ang naghihingalo na dahil sa Covid 19 at kalaunan ay nakaligtas dahil sa high flow oxygen machine.