-- Advertisements --

Nagpasalamat ang Coldplay frontman na si Chris Martin sa mga fans nito na nakaranas nang matinding traffic noong Biyernes para manood sa first day concert ng Coldplay sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ang British rock band ay nasa Pilipinas para sa kanilang Music of the Spheres World Tour.

Hindi naman bababa sa 40,000 katao ang dumalo sa kaganapan noong Biyernes, kabilang na rito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Naglabas ng isang traffic advisory ang NLEX Corporation bago ang show, upang paalalahanan ang mga motorista sa posibleng trapiko.

Nag-alok din ng alternatibong ruta para sa iba pang mga motoristang hindi papunta sa concert.

Sa kabila nang mabigat na trapiko, grateful naman si Martin na muling makapag-perform para sa mga Pinoy fans.

Una nang nag-concert ang Coldplay sa bansa taong 2017.