Ipinagmalaki ng bandang Coldplay na kanilang nahigitan ang target nilang pagbawas ng mga carbon emmissions dahil sa mga ginagawa nilang mga shows.
Noong 2019 kasi ay inanunsiyo ng frontman nila na si Chris Martin na magsasagawa ng mga tours ang banda at ikinokonsidera na ang kanilang mga performance ay magiging mas nakakabuti sa kalikasan.
Matapos ang dalawang taon ay isinagawa nila ang kanilang “Music of the Spheres” tour.
Ang nasabing tagumpay ay base na rin sa tulong ng mga audience kung saan ang mga fans ay gumagawa ng enerhiya sa pamamagitan ng pagtalon sa kinetic dance floors at cycling sa specially modified bikes.
Nangako rin ang banda na magtatanim sil ang mga puno sa bawat tickets na nabebenta sa kanilang mga shows.
Nakapagtanim na sila ng pitong milyong mga puno at ang 18 mga shows nila noong 2023 ay ginamitan ng mga system gamit ang mga recycled na battery ng mga sasakyan at ang 72 percent ng mga tour waste ay inilagay sa landfill.