-- Advertisements --

Magpapatuloy pa rin sa pagpapalaganap ng pagmamahal ang bandang Coldplay.

Sinabi ng kanilang lead vocalist na si Chris Martin, na sa halos 30 taon ng kanilang karera ay sanay na ang mga ito na makatanggap ng mga iba’t-ibang uri ng mga batikos.

Sinabi nito na kung gaano kasikat ang isang banda sa buong mundo ay hindi maiiwasan ang dami rin ng mga bumabatikos sa kanila.

Giit nito na sa dami ng mga internet trolls ay palagi sila ang target sa batikos subalit hindi na sila gumaganti.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang kanilang Music of Spheres world tour hanggang sa 2025.

Itinuturing na sila ang isa sa mga highest-grossing tour para sa kasaysayan ng rock band na nakapagbenta ng mahigit 10 milyon tickets at katumbas ng mahigit $1-bilyon ticket sales.