-- Advertisements --

Masayang inanunsyo ng celebrity couple na sina Billy Crawford at Collen Garcia na magkakaroon na sila ng anak sa unang pagkakataon.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Garcia ang larawan ng kanyang baby bump, at sinabing limang buwan na siyang nagdadalang-tao.

“It’s been over 5 months now. And just like that, we’re more than halfway through! We found out earlier this year, but I’ve been pregnant since December 2019, and it’s been quite a ride since then! Thank you to the friends who’ve been praying for us and checking in on us! We’re beyond grateful for this huge blessing! God is always so good. Excited for us, Daddy,” saad sa post ni Garcia.

Ipinasilip din ni Collen ang sonogram ng kanilang baby, at nagpasalamat din sa mga kaibigan at supporter sa pagdiriwang sa kanilang natanggap na biyaya sa buhay.

“Thank you to the friends who’ve been praying for us and checking in on us! We’re beyond grateful for this huge blessing! God is always so good.”

https://www.instagram.com/p/B_ogLTAnZim/?utm_source=ig_embed

Noong Abril 2018 nang nagkaroon ng engrandeng beach wedding ang dalawa sa Balesin Island sa lalawigan ng Quezon.