DAVAO CITY – Umakyat na umano sa “overwhelming” level ang dami ng coliform bacteria sa Davao River.
Ayon kay Konsehal Mary Joselle Villafuerte, umakyat na ang level nito sa 920,000 ang bilang ng microorganism per 100 milliliter ng coliform sa buwan ng Setyembre nitong taon base sa data mula sa Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB).
Nangangahulugan umano ito na ang nasabing bilang ng bacteria ay hindi na ligtas lalo na kung aksidenteng maiinom ang tubig.
Ito rin umano ang rason na hindi pinahintulutan ang mga isasagawang swimming competitions at iba pang recreational activities sa Davao River.
Una nang inihain ni Villafuerte ang “Zero Open Defecation” ordinance sa lungsod kung saan mandato ang lahat ng mga bahay na gumamit ng banyo na may septic tank at kailangan na i-practice ang tamang pagtapon ng dumi.
Kung maalala nagpositibo rin ang Davao river sa polio virus base sa resulta ng isinagawang eksaminasyon.