Nanawagan ang mga miyembro ng Makabayan bloc sa publiko na gumawa ng “collective actions” kasunod ng insidente sa Recto Bank.
Sa isang pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, nais nilang magkaroon ng malawakang kilos protesta ang publiko para ipakita na hindi isinusuko ng Pilipinas ang teritoryo mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Umaapela naman si ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa Duterte administration na maghain ng opisyal na diplomatic protest laban sa China dahil sa insidenteng nangyari sa Recto Bank.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na nakapaghain na siya ng diplomatic protest kasunod ng naturang pangyayari.
Samantala, binatikos naman ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate kung paano itrato ng Duterte administration ang Recto Bank incident.