-- Advertisements --

Ipagpapatuloy na ng local na gobyerno ng New Orleans ang sikat na college football game tuwing unang araw ng taon ang Sugar Bowl.

Sinabi ni New Orleans Mayor LaToya Cantrell, na nagpasyan na ituloy ang nasabing paghaharap ng Georgia at Notre Dame na gaganapin sa Caesars Superdome.

Ang nasabing laro kasi ay naantala ng isang araw matapos ang nangyaring terror attack na ikinasawi 14 katao.

Binuksan na rin nila ang Bourbon Street ang sikat na French Quarter street.

Dinagdagan na rin nila ang mga nakatalagang mga kapulisan para matiyak ang seguridad na maipapatupad sa nasabing laro.

Ituturing nilang isang SuperBowl game na ang nasabing laro na gaganapin din sa parehas na lugar sa buwan naman ng Pebrero.