-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Kulungan ang bagsak ngayon ng isang high value target (HVT) na college instructor matapos itong mahuli sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa Sta. Fe, Matalom Leyte.

Kinilala ang mga suspek na sina Kevin Lalik, 21, residente ng San Vicente Sta. Fe Matalom, Leyte, kasama ng kaniyang kaibigan na si Mary Jane Ibores, 23, at residente ng Brgy Rizal, Sta. Fe, Matalom, Leyte at isang college instructor sa isang eskwelahan sa Maasin City.

Ayon kay Rogellette Urgel tagapagsalita ng PDEA Regional Office 8, nakuha sa mga ito ang walong sachet ng pinaniniwalaang shabu na may estimated market value na P6,000.

Patuloy pa umano ngayon ang isinasagawang operasyon ng PDEA kasama ang ibang mga operatiba laban sa war on drugs ng administrasyon Duterte.