-- Advertisements --

Patay ang isang Indian college lecturer matapos na ito ay silaban ng kaniyang stalker.

Nangyarin ang insidente habang naglalakad ang biktima sa central Maharashtra state at bigla na lamang itong inatake ng suspek.

Nagtamo ng matinding pagkasunog ang biktima sa kaniyang mukha at katawan.

Nanatili ito ng ilang araw sa pagamutan bago tuluyang masawi.

Naaresto naman ang suspek kung saan umamin ito na gumamit ng kahoy na ibinabad sa gasolina para sunugin ang biktima.

Tiniyak naman ng mga otoridad kanilang pananagutin ang naarestong suspek.