-- Advertisements --

Nililigawan umano ngayon ni Vice President Leni Robredo sina dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at Federation of Free Workers President Sonny Matula upang mapasama sa kanyang senatorial line-up.

Ang naturang negosasyon ng Robredo camp ay kinumpirma rin ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat.

Nabanggit naman ni Colmenares na nagkakaroon nga nang pag-uusap sa kampo ng pangalawang pangulo pero hindi pa raw ito pinal.

Sina Colmenares at Matula ay una na ring kumandidato sa pagka-senador noon pero natalo.

Ang grupo ng Makabayan ay naging bahagi rin sa mga sumuporta sa pag-upo noon ng Duterte administration pero sa huli ay kumalas din.