Humingi ng proteksyon sa Commission on Human Rights (CHR) si dating Bayan Muna representative Atty. Neri Colmenares may kaugnayan sa ginawang surveillance nga government security forces sa kaniya.
Nagpadala ng sulat sa CHR ang dating mambabatas at humiling na sila ang gumawa ng pag-inspeksiyon sa kanilang bahay para ipakita na wala silang itinatago.
Na-trauma raw si Colmenares sa naging karanasan nito kung saan biglang ni-raid sila ng government security forces pagkatapos ay may nakita na lamang na baril at mga iligal na materyal.
Una nang inamin ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade na mino-monitor nila si Colmenares matapos umanong may link ito sa komunistang grupo bagay na pinasinungalingan ng dating mambabatas.