-- Advertisements --
Nag-alok ang gobyerno ng Colombia ng $53,000 na reward sa makakapagturo sa suspek ng nasa likod ng pamamaslang sa walong katao.
Sinasabing apat na kalalakihan ang bigla lamang nagpaputok ng baril sa isang bahay sa Samaniego sa south-western Narino province.
Ang mga biktima ay pawang mga inimbitahan lamang sa nasabing kasiyahan.
Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang motibo ng nasabing pamamaril.