Kabilang si Colombian Football Federation president Ramón Jesurún ang inaresto matapos ang naganap na kaguluhan sa finals ng Copa America.
Sumiklab ang kaguluhan sa Hard Rock Stadium sa Miami Gardens, Florida ng talunin ng Argentina ang Colombia.
Sinampahan ng mga otoridad ang 71-anyos na si Jesurun ng “battery on specified official/employee”.
Si Jesurun ay siya ring vice president ng tournament organizer at south American soccer federation ay inakusahan na nakipagtalo at nananakit pa sa mga security ng stadium.
Ayon pa sa Miami-Dade Police Department (MDPD) na kasamang naaresto ang 43-anyos na anak nito na si Ramon Jamil Jesurun.
Base sa imbestigasyon na kasama si Jesurun na nagpumilit na pumasok sa tunnel patungo sa playing field kung saan nakipagtalo ito sa mga guwardiya.
Dahil sa insidente ay bahagyang naantala ang pagsisimula ng laro.