-- Advertisements --
Hindi pinayagan ni Colombian President Gustavo Petro na lumapag sa kaniyang bansa ang US military planes na lulan ng mga deported migrants.
Sinabi nito na ang mga migrants ay hindi isang kriminal na ito ay dapat pabalikin ng may dignidad at isakay sa civilian planes.
Giit nito na kanilang tatanggapin ang kanilang kababayan na lulan sa civilian planes na hindi tinatrato bilang kriminal.
Dahil din into ay isinara ng US Embassy sa Colombia ang kanilang visa sectio.
Una ng rito ay pinalayas ng Colombia ang dalawang US military planes na may kargang tig-80 na mga migrants.
Maging ang bansang Brazil ay nabahala sa pagtrato ng US sa kanilang mamamayan.
Ilan kasi sa kanila ang dumating sa Manaus ang naka-posas ang mga kamay.