Patuloy na iniimbestigahan ngayon ng Japanese police ang ang presidente ng isang kompaniya na gumagawa ng anatomical skeleton na ginagamit sa mga eskwelahan.
Ito ay makaraang madiskubre ng mga otoridad ang tinatayang mga buto ng nasa 500 katao sa isang garden sa Tokyo, Japan.
Ang lalaki na hindi muna isinapubliko ang pangalan ang siyang namumuno ng
Habara Skeletal Specimen Research Institute.
Iniulat naman ng Mainichi newspaper sa Japan, na umamin daw ang opisyal sa pagbaon sa mga labi ng tao sa garden ng isa sa kanyang mga employees.
Noon pang Nobyembre nabulgar ang mga buto nang mamatay na rin ang may-ari ng bahay sa Adachi district ng Tokyo.
Ang bahay ay nagsisibing opisina pero isang police officer ang naghinala na merong mga human bones sa garden.
Lumutang naman ang isyu na pag-amin ng company president na ang mga buto ay imported pa raw mula sa India.
Ilang dekada na raw ang nakalipas nang angkatin ito upang magsilbing skeleton models.
Ayon naman sa mga industry sources, kalakaran na sa mga kompaniya na gumagawa ng anatomical human skeletons para sa mga Japanese schools, universities at laboratories na gumamit ng totoong buto ng tao.
Sinabi ng Metropolitan Police Department, nahaharap ang company president sa kasong paglabag sa Waste Management and Public Cleansing Act.
Kinikwestiyon din ito kung papaano nakapag-angkat ng mga buto.