-- Advertisements --
NAGA CITY – Nauwi sa engkwentro ang operasyon ng mga sundalo sa Quezon province matapos makatanggap ng ulat na ilang miyembro ng New People’s Army (NPA) umano ang nangingikil sa bayan ng Lopez.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Capt. Patrick Jay Retumban, tagpagsalita ng 2nd Infantry Division Philippine Army, na biglang pinaputukan ng pitong pinaghihinalaang NPA members ang mga kawani ng 85th Infantry Battalion na nasa gitna ng combat operation sa lugar.
Wala naman naitalang sugatan mula sa mga sundalo pero posibleng may tinamaan mula sa sinasabing Sub-Regional Military Area 4-B ng NPA.
Sa ngayon todo higpit ang militar sa pagbabanytay ng lugar matapos na isang insidente rin ng engkwentro ang naitala sa bayan naman ng Infanta.