-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Hinigpitan pa sa ngayon ng militar ang combat operations laban sa mga local terrists group at mga lawless elements sa Maguindanao kasabay ng pananakot na posibleng magsagawa ang mga ito ng Christmas attack.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay 6th Infantry Division (6ID) Philippine Army spokesman Maj. Homer Estolas, isinagawa ang operasyon kasunod ng mga IED bombings at pagkakarekober na rin ng mga pampasabog sa iba’t ibang lugar kamakailan.

Ayon kay Estolas, ang mga nakumpiskang IED paraphernalia at war materials sa bahagi ng Shariff Saydona Mustapha noong isang araw ay plano umanong gamitin sa iba’t ibang lugar sa Mindanao sa darating na holiday season.

Ngunit, kasabay nito ipinasiguro ng militar na nakatutok sila sa ngayon kasama ang PNP upang hindi magtagumpay ang nasabing grupo sa anumang plano karahasan.