-- Advertisements --

Nagsimula ang mga iba’t-ibang laban sa UFC at boxing sa Las Vegas matapos na ito ay ibalik ang nasabing sports ng magpatupad ng pagpapaluwag ang maraming estado ng US.

Ang nasabing pagbabalik ng mga combat sports sa ay base na rin sa rekomendasyon ng Nevada State Athletic Commission.

Sa UFC, tinalo ni Gilbert Burns ng Brazil si dating welterweight champion Tyron Woodley sa main event ng Ultimate Fighting Championship mixed martial arts card.

May nakatakdang boxing match naman na inaayos si Top Rank bigboss Bob Arum sa Hunyo 9 at ito ay sa pagitan nina Shakur Stevension ang undefeated sa 13 na laban nito laban kay Felix Caraballo ng Puerto Rican.