-- Advertisements --
Aabutin umano ng nasa tatlong buwan ang posibleng pahinga ni Golden State Warriors guard Stephen Curry matapos nitong sumailalim sa hand surgery.
Sa anunsyo ng team, inoperahan si Curry sa kanyang kaliwang kamay sa Cedars-Sinai Kerlan-Jobe Institute sa Los Angeles.
Inaasahan naman ng Warriors na makakarekober na ng tuluyan si Curry sa loob ng tatlong buwan.
Maalalang natamo ni Curry ang injury sa pagkabigo nila sa Suns nang tinangka nito isalaksak ang bola subalit naharang ito ni Phoenix center Aaron Baynes.
Saglit na nanatili si Curry sa court ngunit hindi na nito nakayanan ang kirot kaya inilabas na ito.